Dahil ang title ng article na to eh tagalog, magtatagalog ako.
eh, puede ba taglish na lang? sorry ha. Minsan kasi mahirap tagalugin lahat eh...
What's with the title? Simple lang, marami sa atin nag-i-english na mali ang spelling, grammar , tense , etc...Alam ko maraming tataas ang kilay sa inyo. Marami rin tatamaan at baka magalit pa sa akin. Isa lang naman ang point ko. Kung hindi ka sigurado sa English mo, magtagalog ka na lang. Huwag na maging trying hard.Simple di ba.
Ginawa ko itong blog na to para itama ang mga nakikita kong maling posts na nababasa ko araw araw.Kaya kung sino man ang tamaan, sana huwag magalit sa akin... at least sa susunod alam mo na kung ano ang tama di ba? Ako rin naman nagkakamali, pero open naman ako sa mga corrections. I am sure pati ako maraming matutunan sa blog na ito. Syempre bago naman ako magsulat, i-google ko muna para alam ko na tama yung nasa isip ko diba.
Basta, pag may nakita ko na puedeng i-correct, ayun... alam na. :P
Ngayon baka sabihin ng iba nagyayabang. Iba kasi feeling pag guro ka eh. Kasi pag English teacher ka at nakarinig ka ng hindi maganda sa tenga or nakakita ka na masakit sa mata na mga pangungusap, hindi ka mapakali, gusto mo, i -tama yung nagsabi nun. (Alam ko maiintindihan ako ng mga English teachers dyan).
Minsan naman mapapalampas mo mga typographical errors. Pero minsan alam mo talaga na mali ang spelling.. kasi pag nakita mo naman sa keyboard na malayo talaga yung tamang letra.. eh talagang mali yun.
So, sana ang blog na ito ay makatulong, hindi makapikon.
Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit! :P
No comments:
Post a Comment